Pamahalaan maglalaan ng 100 milyong piso para pag-aralan ang epekto ng COVID-19 vaccine
Maglaan ng isang daang milyong piso ang gobyerno para pag-aralan ang epekto ng COVID-19 vaccine sa mga Filipino.
Layon ng pag-aaral na ito ayon kay Department of Science and Technology Undersecretary Rowena Guevara, na makita kung hanggang kailan magiging epektibo sa mga Filipino ang bakuna.
Matatandaang una ng sinabi ng Department of Health na ang bakuna ay maaaring may iba’t ibang epekto sa bawat ethnic group.
Sa kasalukuyan, aminado ang mga eksperto na wala pang katiyakan kung gaano kahaba ang proteksyong maaaring ibigay ng mga bakuna na mayroon ngayon laban sa COVID-19.
Inaasahang masisimulan aniya ang nasabing pag-aaral sa susunod na buwan kung saan 1,000 katao ang target nilang participants.
Samantala, kinumpirma ni Guevara na may dalawa pang kumpanya ang nagpahayag ng interes sa local manufacturing ng bakuna.
Sa ngayon, may walong kumpanya na aniya sa kabuuan ang planong magmanufacture ng bakuna dito sa bansa.
Lima aniya rito ay nais na makagawa ng COVID-19 vaccines .
Ang isa aniya sa mga kumpanya na ito target makapagsimula ngayong taon.
Madz Moratillo