Pamahalaan, naghahanda na sa ‘new normal’


[Photo: JAM STA ROSA / AFP]

Sinabi ng Department of Health (DOH) na pinaghahandaan na ng pamahalaan ang ‘new normal.’

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergerie . . . “We are preparing for this so-called new normal. Let us remember that alert level 1 is the new normal in the country.”

Sinabi pa niya na ang mga paghihigpit ay magiging limitado sa mga lugar na may mataas na panganib ng impeksyon, at aalisin na rin ang pagpapatupad ng limitadong kapasidad sa mga establisimyento at mga pampublikong transportasyon.

Aniya . . . “What would be retained would be our self-regulation. We still follow the minimum public health standard, we still do masking, we still do handwashing, avoid crowded areas, observe physical distancing, and most importantly, of course, ventilation, airflow.”

Samantala, sinabi naman ni Dr. Edsel Salvana ng DOH Technical Group, na ang panuntunan sa pagsusuot ng mga face mask ay maaaring unti-unti na ring mabawasan.

Ayon kay Salvana . . . “Maybe outdoors first before … indoors, and the vulnerable population may possibly hang on to their masks a little longer. And for instance, during long trips in airlines.”

Please follow and like us: