Pamahalaan, parurusahan na ang mga Oil companies na nandaraya sa buwis at mga Oil Smugglers – Malakanyang

Wala nang lusot ngayon ang mga istasyon ng gasolinahang hindi nag-iisyu ng resibo sa kanilang mga kliyente o hindi nagdedeklara ng tamang sales na pumapasok sa kanila.

Sa economic briefing sa Malakanyang, sinabi ni Finance Assistant Secretary Tony Lambino na sa pamamagitan ng fuel marking program otomatikong malalaman na kung ilang litro ang inilalabas ng isang gas station KASAMA ang ng mga oil  refineries.

Ayon kay Lambino sa ilalim ng programa na nakapaloob sa TRAIN law kakabitan ng fuel markers o molecular  tracers ang lahat ng imported at refined oil products gaya ng gasolina, diesel at kerosena.

Inihayag ni Lambino sa pamamagitan ng fuel marker otomatikong madedetemina ang bawat litrong lumalabas sa mga gasolinahan at oil refineries at mula duo’y matutumbok kung magkano ang dapat na bayarang buwis ng isang gas station.

Niliwanag ni Lambino na hagip din ng naturang programa ang mga smugglers  susunod ng huhulihin ng mga otoridad dahil sa pinsalang idinudulot nito sa kita ng pamahalaan.

Batay sa datos ng gobyerno 44 na bilyong piso ang nawawala sa kaban ng bayan dahil sa smuggling na maari sanang magamit sa ibat ibang proyekto ng pamahalaan.

Binigyang diin ni Lambino sa pamamagitan ng fuel marker program makakakolekta ang pamahalaan ng karagdagang mahigit 20 bilyong piso bukod pa sa ipinapataw na excise tax sa mga petroleum products sa ilalim ng TRAIN law.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *