Pamahalaang Lokal ng Tacloban City namigay ng relief goods sa mga barangay na apektado ng baha at landslide.
Namahagi ng relief goods ang pamahalaang lokal ng Tacloban City sa mga residente ng mgaBarangay na lubhang naapektuhan ng pagbaha at pagguho ng lupa na naranasan sa lungsod. Ilan sa mga Barangay na unang nakatanggap ng relief goods ay ang Barangay 43-B Quarry District at Barangay 49 Youngfield, Tacloban City.
Tinatayang nasa 130 pamilya ang nakatanggap ng relief goods na naglalaman ng ready to eat na pagkain, banig, kulambo, kaldero, kutsara, tinidor, at pinggan.
Ang nasabing relief operation ay pinangunahan ni Tacloban City Mayor Cristina Romualdez at ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).
Nagbigay din ng burial assistance si Mayor Cristina Romualdez sa pamilya ng apat na nasawi sa nangyaring landslide sa Barangay 43-B. Samantalang sinagot naman ng DSWD ang gastos sa pagpapalibing sa mga biktima.
Ulat ni Rheanel Vicente