Pamahalaang panlalawigan ng Misamis Oriental, nakatanggap ng iba’t-ibang proyekto, ayuda at sertipiko nang bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte
Nakatanggap ng iba’t-ibang proyekto, assistance at certificate ang pamahalaang Panlalawigan ng Misamis Oriental.
Ito ay ipinagkaloob sa ginawang pagtitipon ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTC-RTC-ELCAC, na dinaluhan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ginanap ang pagtitipon sa University of Science and Technology of Southern Philippines (USTSP) gymnasium.
Sa aktibidad ay nag-report ang Regional Task Force o RTC-ELCAC, ng mga kaunlaran at mga naibigay na programa ng gobyerno sa rehiyon.
Si Governor Bambi Emano ang tumanggap ng mga ibinigay na assistance, proyekto at certificate, upang siya namang mamahagi nito sa mga kinauukulan sa komunidad.
Kabilang sa mga natanggap ng pamahalaang panlalawigan mula sa national government, ang higit kumulang isang milyong pisog tseke para sa dalawang dating rebelde na nanumbalik na sa gobyerno.
Fisheries at livehood projects mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), assistance mula sa Department of Agriculture (DA) para sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas sa lalawigan.
Certificate of Land Ownership Award mula sa Department of Agrarian Reform (DAR), certificate mula sa Department of Science and Technology (DOST) kaugnay ng roll-out ng complimentary food technology at provision of immediate intervention sa Higaonon community ng Sitio Kamansi, sa bayan ng Lagonglong na nagkakahalaga ng 155, 590.00 piso.
Certificates mula sa Department of Public Works and Highway (DPWH), certificates mula sa Department of Information and Communication Technology(DICT) para sa malalaking mga proyekto sa lalawigan at certificates of commitments for sustainable livelihood program, mula sa Department of Social Welfare and Development at TESDA, para naman sa skills and livelihood training sa mga residente sa lalawigan.
Ulat ni Laura Pobadora