Pamamaalam ni PNP Chief General Ronald dela Rosa sa PNP, naging emosyonal

Emosyonal na nagpaalam si outgoing Philippine National Police Chief Ronald “Bato” Dela Rosa sa mga pulis sa Kampo Krame sa kanyang huling Flag raising ceremony kaninang umaga.

Sa kanyang talumpati…hindi napigilan ng Heneral ang pagtulo ng kanyang luha habang pinasasalamatan ang mga pulis na sumuporta sa kanya sa loob ng isang taon at 9 na buwan sa pwesto.

Habang nagpupunas ng luha…isang masigabong palakpakan naman ang ibinigay sa kanya ng mga pulis na ang ilan ay napaluha na rin.

Giit ni Dela Rosa bagaman may mga pagsubok silang dinaanan….patuloy silang bumangon at itinuloy ang laban.

Kasabay nito..hinikayat din niya ang mga pulis na patuloy na suportahan ang papalit sa kanya na si NCRPO Police Director Oscar Albayalde.

Tiwala siya na ipagpapatuloy ng kanyang mistah ang kanilang magandang nasimulan sa War on Drugs at internal cleansing.

“I’m confident kung ano nasimulan natin ituloy niya yun..we started strong so we must finish strong hindi tayo dapat manghina”.

Isa umano sa mga maipagmamalaki na legacy ni Dela Rosa sa kanyang pamumuno sa PNP ay ang hindi nagpadala sa pressure ng mga pulitiko sa pag -aapoint ng mga opisyal.

Para sa kanya, kauna-unahan  ito sa kasaysayan ng PNP na noon ay kinokontrol ng mga pulitiko para sa sarili nilang interes.

Nagawa niya raw ito dahil na rin sa solidong suporta sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Humingi naman si Bato ng paumanhin sa mga nagalit at sumama ang loob sa kanya pero ginawa  niya umano iyon  para sa ikabubuti ng PNP.

 

Ulat ni Mar Gabriel

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *