Pamamaga ng kasu-kasuan, malulunasan ng isang uri ng prutas- batay sa pag aaral

 

Libu -libo umanong mga pananaliksik ang ginawa ng maraming Health advocates  lalo na sa Southeast Asia na nagpapatunay na ang prutas na mangosteen lalo ang balat na ang tawag ay Pericarp  ay anti- inflammatory o kontra pamamaga.

Sinabi ni Dr. Edwin Bien, isang Health and Wellness Specialist na maraming mga kababayan tayo na kapag nakararanas ng pagsakit ng kasu kasuan at iba pang bahagi ng katawan ay umiinom ng kapsula at tableta na panlaban sa kanilang nararamdaman.

Ang nakalulungkot, ang mga uri ng kapsula at tabletang nabanggit ay maaaring makapagdulot ng pinsala sa ilang organ sa katawan.

Dr. Edwin Bien:

“Pero alam natin na kapag matagal tayong umiinom ng kontra kirot na ganito, of course may mga masasama ding epekto ito and we can not take it forever at dito papasok ang mga natural products gaya ng mangosteen, ang maganda sa  mangosteen lalaban ito sa pamamaga ng ating mga kasu- kasuan.”

Payo pa ng mga eksperto, kahiligan ang pagkain ng prutas at gulay upang malabanan ang anumang kirot  at pamamaga na nararanasan sa kasu-kasuan at iba pang bahagi ng katawan.

 

Ulat ni Belle Surara

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *