Pamamahagi ng 15k cash assistance sa mga sari-sari store owner na tinamaan ng rice price ceiling pinuri sa Kamara
Makakabawi ang mga sari-sari store owners na tinamaan ng rice price ceiling sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa Department of Social Welfare and Development o DSWD na bigyan sila ng 15 thousand pesos cash asssitance mula sa sustainable livelihood program ng ahensiya.
Sinabi ni Zambaonga del Sur Congresswoman Divina Grace Yu na malaking tulong sa maliliit na negosyante ang atas ng Pangulo na ayudahan ang mga sar-sari store owners na tumalima sa rice price ceiling na 41 pesos ang presyo ng kada kilo ng regular milled rice at 45 pesos ang kada kilo ng well milled rice.
Mismong si Pangulong Marcos Jr. ang nag-utos kay DSWD Secretary Rex Gatchalian na bigyan ng cash assistance ang mga sari-sari store owners na nagpakalugi sa pagpapatupad ng rice price ceiling sa pamamagitan ng Executive Order 39.
Batay sa record ng DSWD tinatayang nasa mahigit 6,000 na mga small rice retailers na karamihan ay sari-sari store operators ang makikinabang sa cash assisstance ng gobyerno.
Vic Somintac