Pamamahagi ng 2nd tranche ng SAP, malapit nang matapos ng DSWD
Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na halos matatapos na nila ang pamamahagi ng ikalawang tranche ng Social Amelioration Program para sa mga mahihirap na pamilya ng apektado ng covid-19 pandemic.
Sa budget hearing sa senado, sinabi ni DSWD Usec Danilo Pamonag na hanggang kahapon ay natapos na ang pamamahagi ng 5 hanggang 8 thousand pesos sa may 97. 2 percent na mga benificiaries.
Pero inamin ni Pamonag na hindi lahat ng 18 milyong mahihirap na pamilya ang nabigyan ng ikalawang sap taliwas sa ginawa ng unang tranche.
Inalis raw sa listahan ang mahigit apat na milyong recipients dahil ito lamang ang isinumite ng mga local government units .
Lumilitaw rin aniya sa kanilang validation na ang mahigit apat na milyong pamilya ng ito ay doble doble ang nakuhang ayuda mula sa gobyerno.
Katunayan Bukod sa sap mula sa dswd, nakakuha rin sila ng ayuda mula sa DOLE at Department of Agriculture .
Dahil dito, may natitira pa aniyang mahigit sampung bilyong pisong pondo sa budget na inilaan ng kongreso batay sa Bayanihan law one.
Hinihintay rin aniya nila ang isusumiteng report ng lgu’s sa kanilang updated na listahan na maaring ipalit sa mga benificiaries na mas karapat dapat bigyan ng ikalawang sap.
Meanne Corvera