Pamamahagi ng administrasyon ng sinopharm COVID- 19 vaccine labag sa batas – Senator Drilon
Labag raw sa batas ang ginagawang pamamahagi ng administrasyon ng sinopharm COVID- 19 vaccine na itinurok sa mga sundalo at ilang cabinet officials.
Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon tama ang food and drug administration sa posisyon nito dahil walang proper authorization at iligal ang pamamahagi ng bakuna.
Tinukoy ni Drilon ang Republic act 3720 o FDA law na nagsasabing bawal ang pagmanufacture importation, exportation,pagbebenta , distribution, paggamit ng anumang health products nang hindi nakarehistro sa fda.
Nilabag aniya ng administrasyon ang FDA Circular No. 2020-036 o “Guidelines sa Issuance ng Emergency Use Authorization for Drugs and Vaccines for Covid-19”.
Ginagamit aniya ang naturang emergency authorization sa lahat ng mga hindi rehistradong gamot at bakuna sa panahon ng health emergency.
Ang naturang circular ay aplikable sa lahat ng pharmaceutical companies at mga government entities kabilamg na ang health program implementors.
Nakasaad rin aniya sa section 11 ng batas na ang mga lalabag maaring makulong ng isa hanggang sampung taon at multang hindi bababa sa 50 thousand pesos hanggang kalahating milyong piso
Pero ang mga manufacturer, importer o distributor maaring patawan ng 5-10 years na pagkakabilanggo at multang mula 500 thousand hanggang limang milyong piso.
Pero sa kaso ng sinopharm vaccine hindi raw ito nabigyan ng emergency authorization
Katunayan mismong ang FDA aniya ang nagsabing wala pa silang inaaprubahang anumang uri ng COVID vaccine
Sabi ng senador maaring maglabas ng cease and desist order laban dito ang fda
Kwestyon pa ng mambabatas paano nakalusot ang bakuna sa customs kung walang alam ang mga opisyal nito.
Bilang mga lider ng bansa dapat rin aniyang maging maingat ang gobyerno at ang kinukuhang bakuna ay ang naaprubahan ng FDA para makumbinse ang publiko na ito ay ligtas at makakagamot sa matinding problema sa pandemya.
Meanne Corvera