Pamamahagi ng ayuda sa Brgy. Bahay Toro QC, ipinagpatuloy ngayong araw
Ipinagpatuloy ngayong araw ang pamamahagi ng ayuda sa mga residente sa Barangay Bahay Toro, Quezon City.
Ito na ang ikatlong araw ng pamamahagi ng financial assistance sa nasabing Barangay.
Ayon Ginoong Camilo Cordova ng QC Barangay Community Relations Department, umaabot na sa 18,000 beneficiaries ang imaasahan nilang makatatanggap ng ayuda.
Upang maging maginhawa ang pagpila ng mga residente ay naglagay ng mga kubol o tent na may mga upuan ang Barangay at may bukod din na pila para sa mga Senior citizen at Person with disabilities.
Mahigpit din na ipinatutupad ang health protocol at social distancing.
Roger Manzano, EBC Reporter