Pamamahagi ng ayuda sa Muntinlupa City, idinaan sa online
Upang makaiwas sa posibleng lalo pang hawaan ng COVID 19, ipinasiya ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa na ipamahagi ang ECQ Ayuda sa pamamagitan ng GCash account.
Kailangang gumawa ng GCash account ang beneficiary at kailangang ito ay verified upang ma-withdraw ang pera.
Pagkatapos gumawa ng account ay kailangan namang iparehistro sa official link na “tinyurl.com/Ayuda-ECQ-Munti” ang pangalan, reference ID at detalye ng GCash account ng beneficiary.
Kailangang mai-rehistro ang GCash account hanggang August 12, 2021 (Huwebes), 9:00 ng gabi.
Pinaalalahanan naman ang mga beneficiary na mag-ingat sa mga scammer at tanging sa ibinigay na link lamang magregister.
Nagbigay din sila ng step by step guide kung paano gumawa ng GCash account.
Para naman sa mga walang valid ID, sila ay pinapayuhang magtungo agad sa Authorized Villarica outlet para ma-verify ang kanilang account.
Marina Ferrer