Pamamahagi ng cash assistance sa mga residente ng NCR na nasa ilalim ng ECQ, maaari nang simulan sa Aug. 11
Maaari nang simulan sa Miyerkules, August 11 ang pamamahagi ng cash assistance o ayuda sa kwalipikadong beneficiaries ng Metro Manila na kasalukuyang nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Sinabi ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya na napagkasunduan ng Metro Manila mayors na sabay-sabay na magsimula ng distribusyon ng ayuda sa Miyerkules.
Tinatayang nasa 11 milyong residente ng NCR ang makikinabang sa ayuda.
Nauna nang sinabi ng gobyerno na susundin nila ang dating proseso at listahan ng mga beneficiaries na ginamit noong nakalipas na ECQ.
Nasa 1,000 kada indibidwal ang matatanggap ng benepisyaryo at 4,000 piso naman kada pamilya.