Pamamahagi ng driver’s license na mayroong 5-year validity sisimulan na ng LTO sa Agosto
Sisimulan na ng Land Transportation Office sa Agosto ang pamamahagi ng driver’s license na mayroong 5-year validity.
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, ang five-year-valid license cards ay ipamamahagi sa 3 milyong drivers na nag-apply o mag-renew ng lisensya nila mula pa noong October 17, 2016.
Sa ngayon iniimprenta na ng LTO ang mga lisensya na gawa sa Polycarbonate Plastic at mas pinaigting na security features.
Noong April 13, iginawad ng DOTr ang ₱830-million na halaga para sa pagbili ng five-year license cards sa Dermalog Identification Systems-CFP Strategic Transaction Advisors-Nextix Inc. Consortium.