Pamamahagi ng Financial assistance sa NCR plus, mabagal pa rin- DSWD
Patuloy ang monitoring ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Interior and Local Government (DILG) sa ginagawang pamamahagi ng financial assistance sa mga beneficiary sa NCR plus area.
Sinabi ni DSWD Undersecretary Rene Glen Paje na ang grand total na naipamahagi kahapon ay nasa 7.6 percent pa lamang .
Target na mabigyan ng ayuda ang nasa 22. 9 M individuals .
Sa panayam ng Radyo Agila, sinabi ni Paje na sa NCR ay nakapamahagi na sa may 1.5 M beneficiaries, ang target ay nasa 11.7 M.
Dagdag pa ng opisyal na mas updated ang report ng DILG dahil sa nasabing Kagawaran mismo nag-uulat ang mga Local Government Unit.
Sàmantala, ang target na mabigyan ng ayuda sa Bulacan ay 2.9 million; sa Cavite ay 3.4 M; sa Laguna ay 2.7 M at sa Rizal ay 2.6 M.
Binanggit ni Paje na kung hindi man maibigay ang ayuda sa loob ng 15 araw ay maaari nàmang mag-request ng extension ang LGUs bagaman wala pa siyang naririnig na may official request mula sa mga Lokal na Pamahalaan.
Julie Fernando