Pamamahagi ng libreng bigas at cash assistance para sa mga pamilyang poorest of the poor pasisimulan na
Pamamahagi ng libreng bigas at cash assistance sa mga pamilyang poorest of the poor sa bawa’t legislative district sa NCR pasisimulan na sa susunod na linggo ng Kamara
Naisapinal na ng liderato ng mababang kapulungan ng Kongreso ang pamamahagi ng libreng bigas sa mga pamilyang kabilang sa poorest of the poor sa National Capital Region o NCR……
Naghahanda na ngayon ang 33 District Representatives para sa nakatakdang pamamahagi ng libreng bigas at cash assistance sa mga mahihirap na mamamayan sa Metro Manila sa ilalim ng Malaya Rice Project.
Ang proyektong ito ay pagtutulungan ng House of Representatives at Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ipinakiusap niya kay House Speaker Martin Romualdez na mamahagi ng bigas sa mga mahihirap na mamamayan ang 33 kongresista sa NCR.
Makikinabang ang 10,000 na indibidwal kada distrito sa NCR ang paunang mabibigyan ng tig-1,000 pesos na financial assistance sa ilalim ng Assistance to Individual in Crisis Situations o AICS program ng DSWD at 15 kilos ng bigas.
Pangunahing benepisyaryo ng Malaya Rice Project ay ang mga kabilang sa indigent sector gaya ng low-income earners, senior citizens, persons with disabilities at single parents.
Hiniling naman ng Kamara sa mga Barangay Officials na huwag ipagdamot ang indigency certificates sa mga nangangailangan para mabigyan ng libreng bigas at cash assistance mula sa Kamara at DSWD.
Inihayag ng liderato ng Kamara kapag naging matagumpay ang inisyal na roll out ng malaya rice project sa NCR ipapatupad din ito sa 250 na Congressional Districts sa buong bansa na pakikinabangan ng 2.5 milyong poorest of the poor na mga mamamayan.
Vic Somintac