Pambansang pabahay para sa Pilipino program ni PBBM inumpisahan na sa QC
Pinasimulan na ng Department of Human Settlement and Urban Development at ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Quezon katuwang ang Development Bank of the Philippines ang Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito’y matapos pirmahan ang isang Memorandum of Understanding sa pagitan nina Department of Human Settlement and Urban Development Secretary Gerry Acuzar, Quezon City Mayor Joy Belmonte at Development Bank of the Philippines President and Chief Executive Officer Emmanuel Herbosa kasunod nito ang ground breaking ceremony na ginanap sa Harmony Hills Barangay Batasan Quezon City.
Sinabi ni Secretary Acuzar na kabuuang anim na milyong housing units ang itatayo sa loob ng 6 na taong termino ni Pangulong Marcos Jr. o 1 milyong housing units kada taon sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program.
Ayon kay Acuzar 14 na libong units ang itatayo sa Harmony Hills na pasisimulan na ang konstraksiyon sa susunod na linggo.
Inihayag ni Acuzar sa mga susunod na araw ay uumpisahan narin ang kaparehong programa sa ibat-ibang panig ng bansa.
Vic Somintac
good morning po ask ko lng po paano mag apply ng pabahay .wala po aqong sariling bahay nangongopahan lng po aqo gusto ko pong magkaroon ng bahay.salamat sa pagsago
Paano po makaka pag avail ng pambansang pabahay ng ating government.?
How can avail of our President Ferdinand R. Marcos, Housing Program I belong to the Low Salary Income?