Pambansang restriksyon at pagsasara ng mga paaralan, inanunsyo ng France
PARIS, France (AFP) – Inanunsyo ni French President Emmanuel Macron, na isasara ang mga eskuwelahan sa susunod na linggo at ang ipinatupad na limited lockdown sa Paris at iba pang rehiyon ay ipatutupad na rin sa buong bansa upang labanan ang pagtaas sa bilang ng kaso ng COVID-19.
Sa kaniyang nation address ay sinabi ni Macron na ang kasalukuyang mga pagsisikap para mapigilan ang virus ay masyadong limitado ngayong ang epidemya ay bumibilis. Ang pagkalat ng tinatawag na British variant ay nangangahulugan na nanganganib na sila ay mawalan ng kontrol ditto.
Aniya, ang mga paaralan ay isasara na mula sa Lunes para sa susunod na tatlong linggo.
Simula naman sa Sabado ng gabi at para sa susunod na apat na linggo, ipatutupad ang travel restrictions sa magkabilang panig ng buong bansa, at isasara rin ang non-essential shops bilang pagsunod sa umiiral nang panuntunan sa COVID-19 hotspots gaya ng Paris.
Gayunman, sinabi ni Macron na sa kalagitnaan ng Mayo ay bubuksan ang ilang cultural venues at café terraces pero ipatutupad ang mahigpit na mga panuntunan, at pagkatapos nito at bibigyan na rin ng schedule ang muling pagbubukas ng iba pang mga pasilidad.
Ayon kay Macron . . . “Thanks to the vaccine, the way out of the crisis is emerging.”
Samantala, inanunsyo rin niya na ang kanilang vaccine drive ay bubuksan na sa lahat ng lampas 60-anyos mula April 16, at para naman sa lampas 50-anyos simula sa May 15.
Bilang sagot naman sa mga bumabatikos, sinabi nito na walang dahilan para humingi siya ng paumanhin sa pagtugon niya sa pandemya.
Sinabi ni Macron . . . “At every stage of this epidemic, we could say to ourselves that we could have done better, that we made mistakes. That’s all true.But I know one thing: we have stood firm, we’ve learned and at every stage we’ve improved.”
© Agence France-Presse