Pamilya Marcos nangakong tutulungan ang mga biktima ng food poisoning sa birthday celebration ni dating First Lady Imelda Marcos
Tiniyak ng pamilya Marcos na kanilang tutulungan ang mga nabiktima ng food poisoning sa selebrasyon na inorganisa para sa kaarawan ni dating First Lady Imelda Marcos sa Pasig City.
Sa isang statement, sinabi ni dating Senador Bongbong Marcos na makakaasa ng tulong mula sa kanila ang lahat ng mga biktima hanggang sila ay gumaling.
Ayon pa kay Marcos, nakikipag-ugnayan na sila sa mga naapektuhan at patuloy sa pag-asikaso sa mga ito.
Humingi rin ng paumanhin at pang-unawa si Marcos sa pangyayari.
Inaalam na anya ng mga nag-organisa ng birthday celebration ang dahilan ng insidente at handang makipagtulungan sa mga otoridad.
Ulat ni Moira Encina