Pamilya ng napaslang na secretary ng city Council ng Biñan Laguna, umaapila ng Hustisya
Nanawagan ngayon ng hustisya ang pamilya Reyes kasunod ng nangyaring ambush na nagresulta sa pagkamatay ni Biñan City Council Sec. Edward Reyes.
Si Reyes ay Pinsan ni House Deputy Majority Leader Marlyn Alonte, ay pauwi na umano at sakay ng kanyang sasakyan ng harangin ng isang suv at pagbabarilin ng mga sakay nitong armadong kalalakihan.
Maliban kay Reyes ,damay din sa ambush ang isang doktor na si Don Escaris na nakisakay lamang umano.
Naisugod pa sana sa ospital ang mga biktima pero idineklarang dead on arrival.
Ayon sa mga awtoridad, si Reyes ang target ng pananambang at nadamay lamang ang doktor na nakisakay rito.
Sa ngayon ay patuloy na ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente at bumuo ng Special Investigation Task Group edu reyes para sa mas mabilis na imbestigasyon.
Ayon naman kay Region 4A director Gen Vicente Danao, ilan sa tinitingnang anggulo sa krimen ay pulitika, at negosyo.
Apila ng pamilya Reyes, mahuli sa lalong madaling panahon ang mga nasa likod ng pamamaslang.
Hindi ito ang unang pagkakataon na tinambangan si Reyes.
Noong Oktubre ng 2017 ay inambush narin si Reyes pero nakaligtas ito habang nasawi naman ang kanyang isang bodyguard .
Madz Moratillo