Pamilyang Pilipino na mahirap, nabawasan ng mahigit isang milyon – SWS survey

Nabawasan ng mahigit isang milyon ang pamilyang Pilipino na naniniwalang sila ay mahirap.

Batay sa survey ng Social Weather Stations, pumalo lamang sa mahigit sampung milyon o 44 percent ng 1,200 respondents ang self-rated poverty sa bansa.

Bumaba ang self-rated poverty sa Luzon at Metro Manila subalit tumaas naman sa Visayas na may 64 percent at Mindanao na may 57 percent.

Mas mababa ito ng anim na porsyento kumpara sa self-rated poverty na 50 percent o mahigit sa labing isang (11) milyong pamilyang Pilipino sa isinagawang survey noong Marso.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *