Pamunuan ng Filipino-Chinese businessmen, hinimok ang gobyerno na tanggapin ang alok ng Tsina na joint exploration sa West Philippine Sea
Dapat daw tanggapin ng gobyerno ng Pilipinas ang alok ng China na Joint Exploration sa West Philippine Sea partikular sa Recto bank.
Ito ang inihayag ni Henry Lim Bon Liong, Presidente ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc.
Ayon kay Liong, ang 60 percent – 40 percent na alok na Joint exploration ang pinakamainam na solusyon kaysa nakatiwangwang ang mga resources na dapat napapakinabangan na ng Pilipinas.
Dahil dito, dapat aniyang kunin ng gobyerno ang pagkakataon at opurtunidad na ito.
Sinabi pa ni Liong na dapat ipaubaya na lang sa susunod na henerasyon ang isyu ng soberenya sa pinagaagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ulat ni Moira Encina