Pamunuan ng National museum at DPWH sinimulan na ang preparasyon para sa inagurasyon ni President elect BBM
Matapos ianunsyo na sa National Museum gagawin ang inagurasyon ni President elect Bongbong Marcos, sinimulan na agad ng pamunuan ng National Museum at mga tauhan ng Department of Public Works and Highways ang paghahanda.
Naabutan ng Net25 news team ang mga taga DPWH na binabaklas na ang tolda na nasa harap ng museum.
Maging ang pagpintura sa mga bahagi ng gusali.
Ayon kay Engineer Virgilio Orallo, project engineer ng DPWH South Manila Engineering District, isang malaking stage ang kanilang ilalagay sa harap ng National museum.
Dito aniya gagawin ang panunumpa ni Marcos bilang ika-17 Pangulo ng bansa.
Habang sa baba naman ang magiging pwesto para sa mga bisita.
Target aniya nilang matapos ang pagsasaayos hanggang sa Hunyo 20.
Bago si PBBM, ilan sa mga dating Pangulo ng bansa , na sa makasaysayang National Museum din ginawa ang inagurasyon ay sina Manuel Quezon , Jose Laurel at Manuel Roxas.
Madelyn Villar- Moratillo