Pananagutan ng ilang DSWD officials kaugnay sa kwestyonableng paggamit ng pork barrel ni QC Rep. Vincent Crisologo, pinagtibay ng Court of Appeals
Pinaboran ng Court of Appeals ang desisyon ng Office of the Ombudsman laban sa dating opisyal ng DSWD kaugnay sa kwestyonableng paggamit sa pork barrel ni Quezon City
Rep. Vincent Crisologo noong 2009.
Sa ruling ng CA Twelfth Division, ibinasura nito ang petisyon ni dating DSWD Assistant Secretary Vilma Cabrera laban sa findings ng Ombudsman na naghahatol sa kanya at dalawang iba pang social welfare officials ng grave misconduct, serious
dishonesty at conduct prejudicial to the best interest of public
service.
Ayon sa CA, batay sa mga facts at sirkumstansya ng kaso ay makikita na mayroong ire-gula-ridad sa pagpapalabas at paggamit ng pork barrel ng kongresista.
Dahil dito, sinabi ng appellate court na tama ang desisyon ng Ombudsman na panagutin sina Cabrera dahil sa partisipasyon sa kwestyonableng paggamit ng PDAF ni Crisologo.
Sa records ng kaso, hiniling ni Crisologo sa Department of Budget and Management ang pagpapalabas ng walong milyong piso para sa implementasyon ng
Comprehensive Integrated Delivery of
Social Services program kung saan ang DSWD ang implementing agency.
Pero nabatid ng Ombudsman na ang NGO na Kalookan Assistance Council, Inc. ay nagsumite ng pekeng resibo.
Pinatunayan din ng National
Children’s Hospital na walang libreng medical o dental mission na isinagawa noong October 2009 gaya ng sabi ni Cabrera.
Hindi rin rehistradong negosyo ang main supplier ng NGO na Silver A Enterprises at hindi rin naliquidate ang pondo.
Ulat ni Moira Encina