Pananambang sa mga sundalo sa Maguindanao del Sur kinondena ng gobyerno
Kinondena ng gobyerno ang nangyaring pananambang sa Maguindanao del Sur noong March 17 na ikinamatay ng apat na mga sundalo, na tinawag ni President Bongbong Marcos na “despicable act.”
Ayon kay Pangulong Marcos, “This…only strengthens our resolve to eradicate terrorism from the region and the entire nation.”
Sa bukod na pahayag, sinabi ng Philippine Army na ang pananambang ay gawa ng teroristang grupong Dawlah Islamiyah.
Ayon kay Army Commanding General Lt. Gen. Roy Galido, ang mga sundalo ay pabalik na sa kanilang patrol base pagkatapos bumili ng mga suplay nang mangyari ang pananambang malapit sa isang residential area sa Barangay Tuayan 1.
Sinabi ng Pangulo, “Under my administration, we remain resolute in our pledge to ensure that justice is swiftly served for our fallen heroes.”
“The army ‘is committed to ensuring’ the perpetrators of the ‘heinous’ act face the full consequences of their actions,” ayon naman kay Galido.
Samantala, ipinag-utos na ng pangulo ang “agad na pagkakaloob” ng mga benepisyo at tulong sa pamilyang naiwan ng mga namatay na sundalo.
Aniya, “Let this tragic event unite us in our unwavering commitment for a safer, stronger and insurgency-free Philippines. Together we shall prevail against these acts of violence.”