Pananatili ng mataas na net satisfaction rating ni Pangulong Duterte sa SWS Survey, ikinatuwa ng Malakanyang
Magsisilbing inspirasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa buong gabinete ang nananatiling mataas na tiwala ng publiko sa performance ng Duterte administration.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ikinatutuwa ng Malakanyang ang resulta ng first quarter survey ng Social Weather Stations o SWS sa net satisfaction rating ng Duterte government.
Ayon kay Roque patuloy na isusulong ng Duterte administration ang mga pagbabago at panatilihing ligtas ang buong sa,bayanan sa banta ng terorismo, kriminalidad at ilegal na droga.
Batay sa resulta ng SWS first quarter survey bagamat bumaba ng isang punto napanatili ni Pangulong Duterte ang very good net satisfaction rating.
Nakakuha si Pangulong Duterte ng net satisfaction rating na 70 percent o katumbas ng positive 56 kumpara sa 71 percent na naitala o katumbas ng positive 58 percent na naitala noong December 2017.
Ang SWS Survey ay isinagawa noonh March 23 hanggang 27 na nilahukan ng 1,200 adult respondent sa buong bansa at mayroong plus minus 3 percent na margin of error.
Harry Roque:
On the SWS Q1 2018 Survey on PRRD’s Net Satisfaction Rating, we are pleased with the latest Social Weather Stations survey showing President Rodrigo Roa Duterte a “very good” net satisfaction rating of +56. The President ’s rating stayed “very good” in Classes ABC and D and “good” in Class E. In addition, respondents in all educational levels rated the Chief Executive “very good.” Public confidence, as we can see, has remained high notwithstanding matters and concerns the government is handling. We are thus grateful for our people’s vote of confidence. This would further inspire the President, along with the members of his Cabinet, to work double time in bringing the fruits of sustained and inclusive growth to the poorest and marginalized sectors while ensuring our communities remain safe and secure from drugs, crime and terrorism”.
Ulat ni Vic Somintac