Pananatili ng Pilipinas sa Tier 1 status ng US for Trafficking in Persons, ikinatuwa ng DFA
Ikinasiya ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Tier 1 classification ng Estados Unidos sa Pilipinas pagdating sa paglaban sa human trafficking.
Ayon sa DFA, hindi nasayang ang pagsisikap ng gobyerno at ng Inter-Agency Council Against Trafficking kasama na ang DFA na mailigtas ang mga kababayan nating nagiging biktima nito.
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola, isa sa patunay nito ay ang ginawang aksyon ng gobyerno sa Syria kung saan nasa higit 30 mga Pinoy na biktima ng human trafficking ang narepatriate noong nakalipas na buwan.
Kapansin-pansin din na sa kabila ng nararanasang Pandemya ay nakuha pa ring manatili ng bansa sa Tier 1.
Nauna nang sinabi ni Presidential Assistant on Foreign Affairs and Special Envoy Robert Borje na sisikapin at ipagpapatuloy ng pamahalaan ang paglaban sa traffiking in persons.