Panawagan ni dating Pangulong Duterte sa militar na itama ang aniya’y fractured governance, iimbestigahan ng DOJ
I-imbestigahan na rin ng Department of Justice ( DOJ) ang pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na dapat na lutasin ng militar ang sinasabi nitong “fractured governance” kasabay ng ibang mga pangyayari.
Ayon kay Justice Undersecretry Jessie Hermogenes Andres, Jr., maituturing na seditious ang panawagan ng dating pangulo lalo na’t may mga ibang tao rin na nanghihikayat ng mga protesta.
Ani Andres, “For him to invite the military to have a part in seeking remedy is bordering on sedition and is legally actionable.”
Sinabi ni Andres na aalamin ng DOJ kung ang nasabing panawagan ng dating pangulo at ang banta ng anak nito na si Vice President Sara Duterte, ay bahagi ng mas malaking destabilization plan.
Aniya, “We will have to look at every angle. The threat issued by the VP is something that should also be factored in, whether this is really part and parcel of a bigger plan for destabilization.”
Kinontra rin ni Andres ang pahayag ng dating presidente na may fractured governance at ito ay mareresolba ng militar, dahil gumagana at matibay ang mga hukuman at legal na proseso sa bansa.
Ayon kay Andres, “There is no remedy that can possibly come from the military, because our courts are functioning. If there’s any legal remedy that they need to exhaust, the judicial and legal processes are available. I do not know where the statement of the former president is coming from.”
Binigyang-diin pa ni Andres na hindi “conditional threat” ang pahayag ni VP Sara na ipapapatay nito ang pangulo, ang first lady at ng House speaker at ito ay kailangang seryosohin.
Sabi pa ni Andres, “There’s no such thing as a conditional threat once you issue a threat it is a threat, and it is a matter of national security because it is coming from a very influential person, the vice president, amid the subject of the criminal act is the president himself, we will not take this lightly and we will address this very seriously.”
Moira Encina-Cruz