Panawagan ni ousted Chief Justice Sereno mag-resign si Pangulong Duterte ibinasura ng Malakanyang

Walang dahilan para magbitiw sa tungkulin si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang sagot ng Malakanyang sa panawagan ni ousted Chief Justice Maria Lourdes Sereno na dapat mag-resign si Pangulong Duterte dahil sa panghihimasok sa Quo Warranto case kaya napatalsik si Sereno sa puwesto.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na walang nilalabag na prosisyon ng konstitusyon ang Pangulo.

Ayon kay Roque si Sereno ang lumabag sa saligang batas dahil sa hindi pagsusumite ng kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN.

Inihayag ni Roque hindi si Pangulong Duterte ang nagpatalsik kay Sereno kundi mismong kasamahan niyang mahistrado ang nagpatalsik kay Sereno.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *