DOJ hindi pabor sa panawagan na ihiwalay ang Mindanao
Tutol ang Department of Justice sa panawagang paghiwalay ng Mindanao o iba pang bahagi ng Pilipinas.
Sa isang pahayag, iginiit ng DOJ ang paninindigan laban sa anumang pagtatangka na sirain ang unity at territorial integrity ng bansa gaya ng nakasaad sa Konstitusyon.
“The Department of Justice (DOJ) vehemently opposes calls for the secession of Mindanao or other parts of the country, and stands firmly against any attempts to undermine the unity and territorial integrity of the Philippines, as enshrined in the Constitution.” – Department of Justice in a statement
Bilang pangunahing law agency ng ehekutibo, mananatili umano ang commitment ng DOJ para protektahan ang soberenya at ipagtanggol ang kasagraduhan ng Saligang Batas.
Nanawagan rin ang DOJ sa mga Pilipino na magkaisa sa pagtutol sa panukalang ito at manatiling nagkakaisa para sa Bagong Pilipinas.
Madelyn Villar- Moratillo