Pandan leaves, maaaring makatulong sa ilang uri ng sakit ayon sa eksperto
Pinatunayan sa maraming pag-aaral na ginawa ng mga eksperto kabilang ang mga siyentista at mananaliksik na may dulot na benepisyong pangkalusugan ang dahon ng pandan.
Ayon kay Professor Maribel Nonato, Academician mula sa National Academy of Science and Technology (NAST) ng DOST, at tinaguriang Pandan Queen, may 700 species ng Pandanus, ngunit meron lamang nag iisang aromatic pandan o mabangong pandan.
Kilala sa Asya at ibang panig ng mundo ang dahon ng pandan dahil sa kakaiba nitong taglay na amoy.
Ngunit, hindi lang bango ang katangian ng pandan, dahil sagana ito sa benepisyong pangkalusugan.
Sinabi ni Nonato na lumabas sa kanilang pag-aaral na ang dahon ng pandan ay may anti-microbial property..
Ito ay ang Diuretics Anti Oxidants at Anti-Inflammatory properties.
Paglilinaw ni Nonato, ang anti-microbial property ng pandan ay hindi epektibo sa lahat ng uri ng mikrobyo.
Ayon pa kay Nonato, nakapagpapababa din ng blood sugar level ang pandan at nakapagpapaalis ng pamamaga o nararanasang inflammation, at nakatutulong sa mabilis na paghilom ng sugat.
Paliwanag pa ni Nonato bagaman may benepisyong pangkalusugan nataglay ang pandan, hindi ito ginagamit bilang gamot kundi bilang isang supplement.
Aniya lahat ng natural products ay hindi curative kundi ito ay preventive.
Belle Surara