Pandemic response magiging sukatan sa pagboto sa 2022 elections
Ang naging pagtugon sa COVID- 19 response ang magiging sukatan ng mga botante sa pagpili ng ibobotong lider sa May 2022 National and Local Elections.
Ayon sa political analyst na si Mon Casiple, hindi na pangako ng mga kandidato ang magdadala sa halalan kundi kung ano ang nagawa ng mga national at local leader para malabanan ang epekto ng pandemya.
Sinabi ni Casiple na partikular na masusukat sa ganitong batayan ang mga kandidato ng Duterte Administration na tatakbo sa pagka-pangulo, alkalde o gobernador.
Si Davao City Mayor Sara Duterte ay matunog na kakandidato sa pagka-pangulo sa 2022.
Pero nababatikos ito dahil sa mataas na COVID cases sa Davao City.
Sa datos ng Department of Health nitong Setyembre 3, nanatiling pinakamatas ang Davao City sa Davao Region sa COVID case na nasa 426 at 11 ang nasawi.
Mula noong Mayo ay nakakapagtala ng mataas na kaso ang Davao kung saan natataasan pa nito ang malalaking lungsod na may malalaking populasyon sa National Capital Region.
Ang analyst na si Victor Andres Manhit, presidene ng think tank na Albert del Rosario Institute for Strategic and International Studies, naniniwala rin na ang naranasang kahirapan, gutom, kawalang trabaho, pagtaas ng presyo ng bilihin at pandemic ang malaking isyu sa 2022 election.
Sa survey ng Pulse Asia Research noong Hunyo lumilitaw na 9 sa bawat 10 PInoy ang nagsabing bagsak ang COVID response ng administrasyon.
Binanggit rin ang kulang na financial aid, mabagal na vaccine rollout ng gobyerno, hindi maayos na pagpapatupad ng health protocols at pagtaas ng kawalan ng trabaho sa bansa.
Madelyn Moratillo