Panel of Expert, pinabubuo ng Malakanyang sa FDA para sa pagbili ng Covid-19 vaccine
Inatasan ng Malakanyang si Food and Drug Administration o FDA Director General Dr. Eric Domingo na buuin na ang Panel of Expert para sa nakatakdang pagbili ng anti COVID-19 vaccine. Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na kailangang handa na ang panel of expert ng FDA na susuri sa candidate vaccine na mag-aaply ng Emergency Use Authorization sa bansa. Ayon kay Roque inaasahan ng Malakanyang na mapapabilis ang proseso sa pagbili ng anti COVID- 19 vaccine dahil binigyan na ng Emergency Use Authorization ang bakuna ng PFizer na gawa ng US ganundin ang Sinovac at Sinopharm ng China. Inihayag ni Roque hindi magpapahuli ang Pilipinas sa pagbili ng anti COVID 19 vaccine batay sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte. Iginiit ni Roque inihahanda na rin ng pamahalaan ang 73 bilyong pisong pondo na pambili ng COVID-19 vaccine para sa 60 milyong Filipino. Batay sa report gagamitin na ng United Kingdom ang bakuna ng Pfizer para sa kanilang mass vaccination samantalang ang Sinovac at Sinopharm ay ginamit na umano ng China sa kanilang military. Vic Somintac
Please follow and like us: