Pang. Duterte nilagdaan na ang Paris agreement on Climate Change

Bagaman hindi sumang-ayon noong una nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Paris Agreement on Climate Change.

Ayon sa Malacanang isusumite ang dokumento mamayang hapon sa Senado para ratipikahan.

Bago nalagdaan ng Pangulo, ilang beses muna itong nakipagpulong kay Senadora Loren Legarda at sa Climate Change Commission para maipaliwanag ang mahalagang usapin na makakaapekto sa bansa.

Ang Paris Agreement on Climate Change ang kauna unahang pandaigdigang kasunduan sa Climate Change na nilagdaan ng halos lahat ng bansa sa mundo.

Aabot sa 194 na partido ng United Nations Framework Convention on the Climates Change ang lumagda noong Disyembre  2015.

Una nang inihayag ng Pangulo na bagaman salungat siya sa kasunduan, namayani pa rin ang pagkatig ng kanyang mga gabinte sa naturang kasunduan.

Katwiran ng Pangulo kaya niya ito tinututulan dahil hindi patas ang probisyon ng Paris Agreement on Climate Change dahil dehado ang mga mahihirap  na bansa sa mga mayayamang bansa sa usapin ng pollution.

Ulat ni: Vic Somintac

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *