Pang-unawa, hiling ng DepEd sa mga nananawagan para sa Academic break
Humihingi ng karagdagang pang-unawa ang Department of Education sa mga nananawagan ng Academic break, dahil na rin sa kasalukuyang set-up ng pag-aaral.
Sinabi ni DepEd Undersecretary Tonisito Umali sa panayam ng Balitàlakayan, sa halip na Academic break ay Academic ease ang kanilang ginagawa kung saan ang mga guro ay tinagubilinang hindi dapat na maging mahigpit o istrikto sa pagtuturo o pagbibigay ng mga grado, at maging pasensyoso.
Pinapayàgan din ang mga guro na maging flexible sa pag assess sa mga bata.
Dagdag pa ni Umali na maging sa ibang bansa ay hindi nagdeklara ng Academic break manapa ay nagpatuloy ang pag- aaral at nagkaron lamang ng adjustment.
Julie Fernando