Pangamba sa Maharlika Fund pinawi ng DOF
Pinawi ng Department of Finance (DOF) ang pangamba na maaaring magresulta sa bankruptcy ng banking institution, kabilang ang Landbank kung mabibigo ang ipinapanukalang Maharlika Investment Fun (MIF)
Sa ambush interview sa Malacañang, sinagot ni Diokno ang babala ni Senate Minority Leader Aquilino “koko” Pimentel na posibleng mag-collapse ang bangko na ita-tap bilang source of fund ng sovereign wealth fund.
Sa panukala kukunin ang seed money ng Maharlika Fund sa Landbank of the Philippines at Development Bank of the Philippines (DBP) na inaasahang magko-kontribute ng P50 billion at P25 billion, respectively, batay sa bersyon ng panukala na isinusulong sa Senado.
100% naman ng dibidendo ng Bangko Sentral ng Pilipina (BSP) ang ire-remit sa MIF sa loob ng dalawang taon.
Sinabi ni Diokno na ang nasabing premise ay isang pagpa-panic.
“Ini-invest lang naman niya is 3% of its total investable fund. Actually ang investable fund niya is more than P1 trillion,” paliwanag ni Diokno.
“Mga P50 billion lang ang iko-contribute niya and it will probably get higher returns compare sa current fund nila. Yun lang naman ‘yon,” dagdag pa ng kalihim
Dagdag pa ni Diokno walang basehan para mangamba sa nasabing usapin.
Sinagot din ni Diokno ang batikos ni Senador Risa Hontiveros sa bersyon ng Senado sa panukala dahil sa backdoor provision umano nito na nagpapahintulot sa government-owned and controlled corporation (GOCC) na mag-invest sa Maharlika Fund gaya ng Government Service and Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS).
Sinabi ni Diokno na maaaring magdesisyon ang GSIS at SSS batay sa panganib na sangkot at ito ay desisyon ng board.
Eden Santos