Pangangailangan ng mga pasaherong nai-stranded sa mga pier tuwing may kalamidad, dapat nang tutukan ng pamahalaan

Napapanahon na para maisabatas na ang  isinusulong naPassenger bill of rights na tututok sa kapakanan ng mga biyaherong nai-stranded tuwing may kalamidad.

Tinukoy ni Malabon City Congressman Federico “Ricky” Sandoval II na miyembro rin ng House Transportation committee na dapat nang matalakay sa kongreso kung sino ang tutulong sa mga pasahero na ilang araw na nai-stranded sa mga pantalan tuwing idinedeklara ng pamahalaan na bawal ang maglayag dahil sa bagyo.

Bagamat may mga guidelines na ipinatutupad ang Maritime Industry Authority, naniniwala si Sandoval na dapat tutukan ng pamahalaan ang mga nagiging kalagayan ng mga stranded passengers na nananatili ng ilang araw sa pier tuwing may kalamidad gaya rin ng pagbibigay tulong ng pamahalaan sa mga nasasalanta ng bagyo, sunog at iba pang mga insidente.

“Dapat sa mga pier, number one dapat may mga available housing kahit papano thru the Philippine Ports authority. Siguro ho dapat meron tayo dung outlet ng Department of Social welfare and development para kung may nai-stranded na pasahero merong nakahandang kumot, pagkain o kahit banig na magagamit para mahigaan dahil marami sa kanila may mga kasamang bata, mga senior citizens so nasa mandate po nila and we hope with the coordination of the shipping companies at saka dito po sa Marina at PPA ay makagawa tayo ng maayos na sistema to treat this as a crisis”- Cong. Ricky Sandoval – thru Usapang Pagbabgo program

 

=== end ===

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *