Pangangalaga sa Digestive Health sa gitna ng Pandemya, dapat pahalagahan – ayon sa mga eksperto
Ginugunita ngayong linggo ang Philippine Digestive Health Week (PDHW).
Ito ay alinsunod sa Proclamation No. 930 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 18, 2020.
Sa taong ito ang tema ng pagdiriwang ng PDHW ay Empowering Filipinos to Care for their Digestive Health: Malusog na Tiyan, Masiglang Katawan.
Sa pangunguna ng Philippine Society of Gastroenterology, Philippine Society of Digestive Endoscopy at Hepatology Society of the Philippines, isinasagawa ang mga aktibidad kaugnay ng pagdiriwang at dito ay kaisa ang Department of Health.
Sa pamamagitan ng mga aktibidad na pinangungunahan ng mga nabanggit na Health organization, hinihikayat ang mga Filipino na pangalagaan ang kanilang Digestive health.
Ilan sa mga karamdaman na nakaaapekto sa Digestive health ng isang tao ay Colorectal cancer, Liver cancer, Peptic Ulcer disease, Diarrhea at Stomach cancer.
Ito ay pangunahing sakit na nararanasan at pangunahing sanhi rin ng pagkamatay ng mga Filipino.
Ilan sa paksang tinalakay na may kaugnayan sa nakalipas na health forum on Digestive Health ay Malusog na Tiyan, Masiglang Katawan, Batang Tiyan, Dapat Alagaan, Caring for your Child’s Digestive health, at Atay Tayo Diyan: Preventing Alcohol –Related Liver Disease na tinalakay ni Dr. Roberto N. de Guzman Jr., Presidente ng Hepatology Society of the Philippines.
Ayon kay De Guzman, ilan sa masamang epekto ng pag-inom ng alak sa kalusugan ay pamamaga ng atay, magdudulot din ng Fibrosis o pagkakaroon ng peklat sa atay na maaaring mauwi paglala nito kung saan liliit na ang atay o cirrhosis hanggang sa ito ay pumalya na o mauwi sa liver failure o kaya naman ay magkaroon ng bukol sa atay o liver cancer.
Pagbibigay diin pa ni De Guzman, sa pag-inom ng alak …..ating atay ay patay at maging ibang bahagi ng katawan ay damay.
Belle Surara