Panghapong pagdinig sa kaso ni Senador Bong Revilla Jr. nasuspinde dahil sa masamang panahon
Dahil sa suspensiyon ng trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno dala ng masamang panahon, kinansela rin ng Sandiganbayan ang panghapong hearing sa kasong plunder ni dating Senador Bong Revilla Jr.
Kaninang umaga, humarap pa sa Anti-Graft Court si Revilla para sa ikalawang araw ng paglilitis sa kanyang kaso at tumestigo ang ilang lokal na opisyal na hindi nakatanggap ng agricultural kits.
Depensa naman ni Revilla sa sinasabing ghost projects, hindi siya ang dapat managot dito kundi ang nameke dahil nagpondo lang siya ng proyekto gamit ang kanyang Priority Devt. Assistance Fund.
Umaga at Hapon ang schedule ng hearing sa kaso ni Revilla subalit suspendido na ang trabaho sa lahat ng Korte sa Metro Manila simula kaninang ala una.
Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo