Pangongolekta ng Toll sa SLEX, ipinatitigil muna
Ipinasususpinde na ni Senador Sherwin Gatchalian ang pangongolekta ng tollfee sa South Luzon Expressway.
Sa harap ito ng reklamo ng mga motorista na umaabot ng tatlo hanggang limang araw o halfday na ang ginugugol sa biyahe sa SLEX papasok ng Metro Manila dulot ng matinding traffic.
Dulot ito ng itinatayong mga poste para sa apat na kilometrong Skyway extension.
Pero ayon kay Gatchalian hindi na nasusunod ng SLEX ang nakasaad sa kanilang prangkisa na magbigay ng maayos na serbisyo.
Iginiit ni Gatchalian na libu-libong motorista na ang umaaray dahil sa perwisyong dulot ng traffic.
Apektado na rin aniya pati ang trabaho ng mga empleyado na nanggagaling sa Southern part ng bansa na dumadaan sa SLEX.
Paiimbestigahan naman ni Gatchalian sa Senado kung humingi ba ng permit ang SLEX o contractor bago ginawa ang konstruksyon.
Kailangan kasi aniyang may malinaw na plano bago ginawa ang proyekto.
Ulat ni Meanne Corvera