Pangulo ng Iran, namatay sa pagbagsak ng sinasakyang helicopter
Iniulat ng Iranian state media na namatay ngayong Lunes si Iranian President Ebrahim Raisi, makaraang bumagsak ang sinasakyang helicopter sa bulubunduking rehiyon ng Iran.
Linggo pa ng hapon nang simulan ng rescue teams na galugarin ang lugar, makaraang mawala ang helicopter na sinasakyan ni Raisi, ng foreign minister ng Iran at iba pang mga opisyal.
Nitong Lunes ng umaga, ay natagpuan ng na ng relief workers ang nawawalang helicopter.
Sa ulat ng Iranian state television, “The servant of Iranian nation, Ayatollah Ebrahim Raisi has achieved the highest level of martyrdom whilst serving the people.”
Bumangon ang pangamba tungkol sa 63-anyos na lider makaraang hindi na makontak ang sinasakyang helicopter ni Raisi kasama ang Foreign Minister na si Hossein Amir-Abdollahian at iba sa East Azerbaijan province nitong Linggo.
Ayon sa Tasnim news agency, kabuuang siyam katao ang lulan ng helicopter.
In this photo provided by Islamic Republic News Agency IRNA on May 19, 2024, shows the helicopter carrying Iran’s President Ebrahim Raisi taking off at the Iranian border with Azerbaijan after the inauguration of the dam of Qiz Qalasi, in Aras. A helicopter in the convoy of the Iranian president was involved in “an accident” in East Azerbaijan province on May 19, state televsion reported, without specifying if the president was on board. (Photo by Ali Hamed HAGHDOUST / IRNA / AFP)
Sinabi ng Iranian Red Crescent chief na si Pirhossein Koolivand, na agad na nagtungo ang rescue teams sa crash site pagkatapos na ma-locate ang helicopter.
Linggo ng hapon nang iulat ng state TV na naaksidente ang helicopter na sinasakyan ng Pangulo sa bahagi ng Jolfa region ng East Azerbaijan province.
Sinabi ni Interior Minister Ahmad Vahidi, “The helicopter made a hard landing bad weather.”
Hinimok din niya ang publiko na makinig lamang sa mga impormasyon na galing sa state television, at huwag makinig sa foreign media channels na itinuturing ng Iran na ‘hostile’ sa Islamic republic.
Ayon sa Tasnim news agency, ang convoy ni Raisi ay binubuo ng tatlong helicopters, dalawa rito ay ligtas na nakarating sa kaniyang destinasyon.
Tiniyak naman ni Supreme leader Ayatollah Ali Khamenei sa mga mamamayan ng Iran na walang dapat ipangamba tungkol sa liderato ng Islamic republic, dahil wala aniyang mangyayaring pagkaantala sa mga trabaho nito.
Nagpahayag ng pakikiramay at nag-alok ng tulong ang ibang mga bansa, gaya ng Iraq, Kuwait, Qatar, Saudi Arabia, Syria, Russia, China at Turkey, maging ang European Union na pinakilos din ang kanilang rapid response mapping service upang tumulong sa search effort.
Ayon sa Red Crescent Society ng Iran, ang bangkay ng mga namatay sa helicopter crash ay daldalhin sa Tabriz.
IRAN – MAY 20: A screen grab captured from a video shows from Akinci Unmanned Aerial Vehicle, which participated in search and rescue operations for the helicopter carrying the Iranian President Ebrahim Raisi and his delegation in Iran on May 20, 2024. A Turkish Akinci unmanned aerial vehicle (UAV) identified a source of heat early Monday suspected to be the wreckage of a helicopter carrying Iranian President Ebrahim Raisi and shared its coordinates with Iranian authorities. Anadolu / Anadolu (Photo by Anadolu / ANADOLU / Anadolu via AFP)
Samantala, nagsagawa ng isang emergency meeting ang gabinete sa pangunguna ni Vice President Mohammad Mokhber pagkatapos ng insidente, ayon sa ulat ng IRNA news agency.
Binisita ni Raisi ang northwestern province para sa inagurasyon ng isang dam project kasama si Azerbaijan President Ilham Aliyev, sa kanilang common border.
Sa kaniyang post sa social media platform na X ay sinabi ni Aliyev, “We were profoundly troubled by the news of a helicopter carrying the top delegation crash-landing in Iran.”
Si Raisi ay naging pangulo ng Iran noong 2021 nang palitan niya si Hassan Rouhani, nang mga panahong ang kanilang ekonomiya ay batbat ng US sanctions kaugnay ng pinagtatalunang nuclear programme.
Sa kaniyang talumpati kasunod ng dam inauguration nitong Linggo, binigyang-diin ni Raisi ang suporta ng Iran sa mga palestino, isang centerpiece ng kanilang foreign policy simula nang mangyari ang 1979 Islamic revolution.
“We believe that Palestine is the first issue of the Muslim world, and we are convinced that the people of Iran and Azerbaijan always support the people of Palestine and Gaza and hate the Zionist regime,” bahagi ng talumpati ni Raisi.
Sinabi naman ng Hamas, “in this painful incident, we express our full solidarity with the Islamic Republic of Iran, its leadership, government and people.”
Sa ngayon, si Iranian Vice President Mohammad Mokhber muna ang magsisilbing interim president.