Pangulo ng Mexico, dinapuan ng COVID-19 sa ikalawang pagkakataon
Sinabi ni Mexican President Andres Manuel Lopez Obrador, na muli siyang nagkaroon ng Covid-19 sa ikalawang pagkakataon at nakararanas ng mild symptoms.
Aniya . . . “I inform you that I am infected with Covid-19 and although the symptoms are mild, I will remain in isolarion and will only do office work and communicate virtually until I get through it.”
Nauna rito, ang 68 anyos na pangulo na bihirang magsuot ng mask ay dumalo sa kaniyang daily news conference at nang magsalita ay namamaos.
Si Lopez Obrador ay unang tinamaan ng Covid-19 at gumaling sa unang bahagi ng 2021.
Nabakunahan na rin siya ng AstraZeneca at tumanggap ng booster noong December 7.
Gaya ng iba pang mga bansa, nahaharap din ngayon ang Mexico sa panibagong paglobo ng mga kaso, bunga ng lubhang nakahahawang Omicron variant.
Noong Biyernes, ang opisyal na bilang ng nasawi sa Mexico dahil sa Covid-19 ay lumampas na sa 300,000 ang ika-5 pinakamataas sa buong mundo.