Pangulo ng Red Cross makikipagkita sa Hamas chief upang pag-usapan ang Gaza war humanitarian issues
Inihayag ng Red Cross na bumiyahe ang kanilang presidente sa Qatar upang makipagkita sa Hamas chief na si Ismail Haniyeh, upang pag-usapan ang humanitarian issues na may kinalaman sa armed conflict sa Israel at Gaza.
Pahayag ng International Committee of the Red Cross (ICRC), “President Mirjana Spoljaric met with (Ismail) Haniyeh, Chair of Hamas’ Political Bureau, and separately with authorities of the state of Qatar.”
Ang anunsiyo ay ginawa habang nagsisikap ang mga negosyador na selyuhan na ang isang kasunduan para sa pagpapalaya sa ilan sa 240 hostages na binihag ng Islamist militants sa sorpresa nilang pag-atake sa Israel noong Oktubre 7.
Binigyang-diin ng ICRC, “Spoljaric’s visit was part of efforts to hold direct discussions with all sides to improve respect for international humanitarian law. She has also met ‘multiple times in recent weeks with families of hostages held in Gaza’, as well as senior Israeli and Palestinian leaders.”
Iginiit pa ng Geneva-based organisation na patuloy itong “umaapela para sa agarang proteksiyon ng lahat ng mga biktima sa labanan, at para sa gumaan ang humanitarian situation” sa Gaza strip.
Nakasaad pa sa pahayag, “ICRC staff in Gaza have been delivering life-saving assistance, and an ICRC surgical team continues to perform operations, and we’re calling for sustained, safe humanitarian access so it can increase its work.”
Hamas Political Bureau Chairman Ismail Haniyeh / Iranian Foreign Ministry/Handout / Anadolu
Iranian Foreign Ministry / Handout / ANADOLU / Anadolu via AFP
Binigyang-diin din ng organisasyon na “patuloy itong nananawagan para sa agarang pagpapalaya sa mga bihag.”
Ayon pa sa pahayag, “The ICRC is insisting that our teams be allowed to visit the hostages to check on their welfare and deliver medications, and for the hostages to be able to communicate with their families.”
Dagdag pa nito, “Agreements must be reached that allow the ICRC to safely carry out this work. The ICRC cannot force its way in to where hostages are held, nor do we know their location.”
Iginiit naman ng ICRC, na tumulong sa pagpapalaya sa apat na hostages sa dalawang magkakahiwalay na okasyon, na wala silang bahagi sa negosasyon na naging daan sa paglaya ng mga bihag.
Gayunman, sinabi nito na bilang isang “neutral humanitarian intermediary,” ay handa sila na tumulong para sa paglaya ng mga bihag sa hinaharap na pagkakasunduan ng mga partidong sangkot sa labanan.