Pangulong Duterte at 16 na cabinet members papuntang Japan.. DOJ Secretary Minardo Guevarra itinalagang caretaker ng gobyerno

Halos buong gabinete ay bitbit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang biyahe sa Japan  para dumalo sa 25th Nekkie International Conference sa Tokyo, Japan mula May 30 hanggang May 31.

Sinabi ni Executive Secretary Salvador  Medialdea na si Justice Secretary Minardo Guevarra ang itinalaga ni Pangulong Duterte na caretaker ng gobyerno.

Inaasahang 20 business agreement ang mapipirmahan sa Japan trip ng pangulo na aabot sa 300 billion pesos na lilikha ng 80 libong trabaho sa mga pinoy.

Inihayag  ng  Malakanyag na walang gastos ang gobyerno ng Pilipinas sa official delegation ni Pangulong Duterte dahil sagot ng Japanese government.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *