Pangulong Duterte at BARMM Chief Minister Al Hadj Murad Ibrahim, nagpulong sa Malakanyang kaugnay sa pagtatalaga kay Agriculture Secretary Manny Piñol sa Mindanao Development
Natuloy na ang pakikipagpulong ng mga opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang.
Sinabi ni BARMM Chief Minister Al Hadj Murad Ibrahim na kasama niyang humarap sa pangulo ang 12 mga ministers.
Iniharap naman ni Pangulong Duterte sa pulong si Agriculture Secretary Manny Piñol at ipinakilala bilang pointman ng Malakanyang sa BARMM.
Ayon kay Murad nilinaw ni Pangulong Duterte na hindi makikialam si Piñol sa trabaho o operasyon ng BARMM kundi magsisilbi lamang na tulay para anuman ang kailanganing tulong ay mabilis na maipararating sa Pangulo.
Magugunitang sinabi ng Pangulo na nakadependi sa desisyon ni Murad kung tatanggapin si Piñol bilang pinuno ng Mindanao Development saka lamang ito aalisin sa Department of Agriculture.
Ulat ni Vic Somintac