Pangulong Duterte at Chinese President Xi Jinping, mag-uusap sa China kaugnay sa isyu ng terorismo at droga



Ma
se-sentro sa paglaban sa terorismo at pagsugpo sa cross-border narcotics trade ang pag-uusapan nina Pangulong Duterte at Chinese President Xi Jinping sa Hainan province China.

Sinabi ni DFA Undersecretay Manuel Antonio Teehankee na mangyayari ang bilateral ng dalawang leader sa pagdalo ni Pangulong Duterte sa Boao forum for Asia na dadaluhan ng dalawang lider sa Martes.

Dagdag ni Teehankee, may maliit na tsansa ding mapag-usapan ng dalawa ang isyu sa South china sea.

Bago ang bilateral meeting ng dalawang lider magsasalita muna si Pangulong Duterte sa pagbubukas ng Boao forum for Asia na tututok sa pagbabago bilang kasangkapan sa paglago ng mga bansa sa Asya.

Aalis ang Pangulo patungong China sa Lunes para sa Boao forum saka dadaan sa Hongkong para makapulong ang mga OFWs doon at alamin ang kanilang sitwasyon.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *