Pangulong Duterte at MILF Chairman Alhaj Murrad Ibrahim, magpupulong sa linggong ito – ayon sa Malakanyang
Nakatakdang magpupulong sina Pangulong Rodrigo Duterte at Moro Islamic Liberation Front o MILF chairman Alhaj Murrad Ibrahim sa linggong ito.
Sinabi ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na magkikita sina Pangulong Duterte at MILF chairman Ibrahim para talakayin ang implementing rules and regulations o IRR ng Bangsamoro Organic Law.
Ayon kay Secretary Go hindi niya makumpirma kung sa Malakanyang o sa Mindanao gaganapin ang meeting ng Pangulo at liderato ng MILF.
Inihayag ni Secretary Go na nakatakdang ring kausapin ng Pangulo si MNLF Chairman Nur Misuari para ayusin ang Autonomous Region in Muslim Mindanao dahil sa pagpapatupad ng BOL.
Ulat ni Vic Somintac