Pangulong Duterte, binalaan ng oposisyon sa Senado na huwag balewalain ang Kongreso kung balak nitong i-extend ang Martial Law
Binalaan ng oposisyon sa Senado si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na nito maaring balewalain o i by-pass ang Kongreso kung may plano itong palawigin ang Martial Law.
Sa harap ito ng pinalulutang na scenario ni Chief Legal Counsel Salvador Panelo na posibleng magdeklara ng panibagong Martial Law ang Pangulo kung hindi maaprubahan ang pagpapalawig ng Proclamation 216.
Paalala ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa Pangulo, Kongreso lamang ang may kapangyarihan magpalawig ng deklarasyon ng Martial Law.
Malinaw aniya sa desisyon ng Korte Suprema na ang tanging magagawa ng Pangulo ay magrekomenda ng extension.
Ulat ni: Mean Corvera