Pangulong Duterte , binanatan ang mga partylist groups na front ng grupong komunista sa bansa
Kinastigo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Partylist Groups na sinasabing front ng grupong komunista sa bansa.
Sa kanyang regular weekly Talk to the People sinabi ng Pangulo na napasok na ng kilusang komunista ang gobyerno.
Ayon sa Pangulo wala ng ginawa ang mga komunista kundi siraan ang pamahalaan na nakakaapekto sa kapakanan ng publiko.
Inihayag ng Pangulo na ang mga Partylist Groups na nagsisilbing legal front ng grupong komunista ay kinabibilangan ng Kabataan, Anakpawis, Bayan, Alliance of Concerned Teachers o ACT at Gabriela o KABAG.
Magugunitang puspusan ang ginagawang kampanya ng Duterte administration para wakasan ang communist insurgency sa bansa hanggang sa matapos ang termino ni Pangulong Duterte sa buwan ng Hunyo ng taong kasalukuyan.
Vic Somintac