Pangulong Duterte , binatikos si Senador Pacquiao; Nagsabing maglabas ng ebidensya sa katiwalian sa gobyerno
Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senator Manny Pacquaio na patunayan ang mga alegasyon nito na mas matindi ang kurapsyon sa Duterte administration kumpara sa administrasyon ni Dating Pangulong Aquino.
Giit ng pangulo, ilabas ni Pacquaio ang mga ebidensya sa mga sinasabi nitong katiwalian.
Si Senador Manny Pacquaio tinatanggap ang hamon ng pangulo.
Sa isang mensahe sinabi ni Pacquaio na hindi siya tiwali at hindi rin sinungaling.
Mismong ang pangulo aniya ang nabanggit sa kaniyang pahayag noong October 27, 2020 na sa halip na masawata lalo pang lumakas ang katiwalian sa pamahalaan.
Katunayan, sinabi aniya ng Pangulo na paigtingin pa nito ang kampanya laban sa kurapsyon.
Isa sa tinukoy ni Pacquaio ang niya’y talamak na katiwalian sa Department of health.
Buwelta ng Senador dapat busisiin ang ginastos ng DOH sa pagbili ng mga personal protective equipment, rapid tests kit, facemasks at iba pang pinagkagastusan para labanan ang pandemya.
Babala niya, handa na raw ba si Health Secretary Francisco Duque na isiwalat kung saan napunta ang kabuuang ginastos laban sa COVID- 19 at kung saan napunta ang mga perang inutang ng gobyerno.
Nakakalungkot ayon sa Senador na sa isyu ng kurapsyon sila nagtatalo ng pangulo.
Nagpasaring pa si Pacquaio na ang kailangan ng bansa ay isang lider na magtutulungan para labanan ang katiwalian.
Meanne Corvera